Sabado, Agosto 22, 2015


caption:Ito ang aking napili sapagkat ito ang nagsisilbing inspirasyon at gabay ko sa tuwing ako ay may suliranin.




Tobias,Joyce
1.ano ang nararamdaman mo habang nakikipagkwentuhan sa magulang?  
Sagot:Masaya po at maggan sa aking kalooban at pakiramdam.

2.sang ayon ka ba o hindi? bakit Sagot:
Sang-ayon po , Sapagkat kailangan na sumunod sa kanilang mga kautusan at tuntunin dahil para rin ito sa ating kapakanan.
3.ano ang nais mong sabihin sa magulang tungkol dito?  
Sagot: Susundin at magpapasakop ako sa aking magulang sapagkat sila ang nakakaalam ng mabuting kapakanan para sa akin.
magtala ng tatlong utos ng magulang.  
Sagot:  
1.Pagbutihin at galingan sa pag-aaral
2.Huwag makakalimot na tumawag at manalangin sa Panginoon sapagkat siya ang ating gabay sa pamumuhay natin sa araw-araw.  
3.Maging mabait,mapagbigay,tapat at matulungin sa kapwa sapagkat darating ang panahon na kakailanganin ko din ang tulong at malasakit ng iba. salamat

Huwebes, Agosto 20, 2015

Sunga,Kathrine.    
















1. ano ang nararamdaman mo habang nakikipakwentuhan sa magulang ?
-masaya o pagkagalak ang aking naramdaman

2.   Sang ayon ka ba o hindi? Bakit
    - Sang ayon dahil kailangan natin ang mg autos na ating magulang dahil makatutulong ito sa atin at maaring magamit sa ating kinabukasan. Makatutulong din ito sa paghulma ng ating pagkatao.   
 
3. Ano ang nais mong sabihin sa magulang tungkol dito?
- Nais kong sabihin na ang simpleng utos ng magulang ay makatutulong sa pag unlad ng isang bata

4. Magtala ng tatlong utos ng magulang sa iyo
- Maging Magalang
-Maging masipag sa pag-aaral
-Maging mapagpasensya

Sumasang ayon ka ba sa iyong Magulang?
Kung oo, gaano ka kalapit sa pagtupad sa hinihingi ng iyong magulang? Bakit mo ito
Ginagawa? Ano pa ang kailangan mong gawin? Ipaliwanag.

Opo, dahil ito ay kanilang utos at bilang kanilang anak ay nararapat lamang na sundin ko sila dahil sila ang mas maraming karanasan at mas nakakaalam ng tama, ang nga utos nila ang gagabay sa aking mga desisyon at gagawn.
Sa aking palagay, ay malapit- lapit na ako sa pagtupad ng utos ng aking magulang  dahil simula bata pa lamang ay nagging isang magalang na akong bata sa mga tao sa aking paligid. Nag aral din ako ng mabuti dahil isa ito sa makakapagpasaya sa aking magulang, naging mapagpasensya ako sa mga tao sa kamaliang mga nagagawa nila, hindi ako madalas magalit sa mga tao dahil para sa akin ay bawat tao’y may kabutihan sa kanilang sarili. Patuloy kong pinagbubutihan ang aking pag aaral upang mapasaya ang aking magulang at matulungan sila sa buhay.


E





Ebero,James
A.

1. Ano ang nararamdaman mo habang nakikipagkwentuhan sa magulang?
Ang nararamdaman ko ay natutuwa dahil magkasama kami ng nanay ko magbasa ng isang kuwento at ito’y nakakatawa
 2. Sang-ayon ka ba o hindi sa kanya? Bakit?
Sang ayon dahil ipinapakita nito ang kahalagahan ng tamang pagpapalaki sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.
 3. Ano ang nais mong sabihin sa kanila tungkol dito?
Ang nais kong sabihin sa kanila ay salamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay nila sa akin at salamat sa pag gabay sa lahat ng ginagawa ko sa lahat ng araw na ginawa ng Diyos.
 4. Magtala ng 3 utos ng magulang na ibinibigay sa iyo.
Mag-aral ng mabuti, maglinis ng kuwarto at gamit, sumunod sa kanilang mga tagubilin

b.



Ang napili kong utos na sinabi ng nanay ko sa akin: “Maglinis at iaayos ang mga gamit”.Ito ang pinakamahalaga para sa akin
Perez,Matthew







Ano ang Naramdaman mo?


Medyo nahihiya dahil may ilang pangayayaring na natandaan ako noong bata pa ako.


Sang-ayon ka ba o hindi sa magulang? Bakit? Bakit hindi?


Sang-ayon ako dahil mas alam nila ang tama. Tsaka sabi nga sundin ang magulang dahil mas may alam sila. Isa pa What is Life without Rules?


Ano ang nais mong sabihin sa magulang tungkol dito?


Tamang pagdidisiplina lamang ang kailangan. Mapapasunod niya din ang anak niya at maganda na pinamahagi niya ang kanyang paaraan ng pag-didisiplina dito.



 Tatlong utos ng aking Magulang



Matutong Gumalang

Huwag kalimutang Magmahalan

Always Smile!



Sumasang ayon ka ba sa iyong Magulang?

Opo, dahil alam nila ang makabubuti saatin. Tsaka mas may karansan sila sa buhay at marami na silang naharap na problema.


Kung oo, gaano ka kalapit sa pagtupad sa hinihingi ng iyong magulang? Bakit mo ito
Ginagawa? Ano pa ang kailangan mong gawin? Ipaliwanag.


Natutupad ko naman ito minsan ngunit may panahon na nakakalimutan ko itong gawin. Kaya kailangan ko itong bisagawa para maging ganap ito. Tulad ng pagsunod, may oras na tinatamad akong sundin ang utos nila. Sa Huwag kalimutang Magmahal, may oras na hindi ko maipakita ang pagmamahal ko sakanila at nasasaktan ko sila. Sa pagiging masaya naman, minsan dumadating ako ng malungkot sa bahay dahil sa problema sa aking pag-aaral at sa iba pang bagay

Bacarisa,Andrea

















1. Ano ang nararamdaman mo habang nakikipagkwentuhan sa magulang?
Napakasaya, dahil dito ay nagkaroon kami ng “throwback”. Kami ay
nagkwentuhan tungkol sa aming karanasan patungkol ditto nung kaming bata na
sumubok sa katatagan n gaming mga magulang. Ang aking magulang ay
nakarelate o nakakonekta sa sumulat ng artikulong ito. Marami akong natutunan
at nabigyang kaliwanagan dahil sa pagsasalaysay sa akin ng aking mga magulang
sa mga bagay na tila ba ay mahirap unawain.

2.Sang-ayon ka ba o hindi sa kanya? Bakit?
Oo, sang-ayon ako. Ito ay dahil ang mga ito ay may katotohanan. Kapag hindi
natin ito nasunod ay maaaring may masamang mangyari sa atin. Iyon rin ang
aming karanasang magkakapatid. Ang hindi pagsunod sa mga patakaran o utos na
nagdudulot ng hindi magandang pangyayari. Karamihan din dito ay ginamit ng
aming mga magulang noong kami ay mga musmos pa lamang.

3.Ano ang nais mong sabihin sa kanila tungkol dito?
Ako ay lubos na nagpapasalamat sapagkat ako ay maraming napulot na kaalaman
at lubos na nagalak sa mga utos na ito.

Magtala ng 3 utos ng magulang na ibinibigay sa iyo.
Una, mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal ng Diyos sa iyo. Ito ay
pinakamahalaga, ang pagmamahal. Dahil ito ang nagdudulot ng kapayapaan kung
mahal mo ang iyong kapwa ay pahahalagahan mo ito dahil alam mong kayo ay
pantay lamang na ginawa ng Diyos. Pangalawa ay ang, mag-aral ng mabuta dahil
ito lamang ang kayamanang hindi mananakaw ninuman sa akin. Ito ay tumatak sa
aking puso’t isipan dahil sa aming karanasan. Hindi ganoon ang aming pinansyal
na nagtulak sa aming magkakapatid na magpursige na makakuha ng scholarship o
libreng pag-aaral. Huli ay ang, kung may mabigat kang problema, bilangin mo
ang mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay ang
Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat na kaya niyang pagaaanin at alisin
ang anumang problema basta’t lahat ng bagay na ating ginagawa ay para kaniya
lamang at lahat ng papuri’t pasasalamat.