Huwebes, Agosto 20, 2015

Bacarisa,Andrea

















1. Ano ang nararamdaman mo habang nakikipagkwentuhan sa magulang?
Napakasaya, dahil dito ay nagkaroon kami ng “throwback”. Kami ay
nagkwentuhan tungkol sa aming karanasan patungkol ditto nung kaming bata na
sumubok sa katatagan n gaming mga magulang. Ang aking magulang ay
nakarelate o nakakonekta sa sumulat ng artikulong ito. Marami akong natutunan
at nabigyang kaliwanagan dahil sa pagsasalaysay sa akin ng aking mga magulang
sa mga bagay na tila ba ay mahirap unawain.

2.Sang-ayon ka ba o hindi sa kanya? Bakit?
Oo, sang-ayon ako. Ito ay dahil ang mga ito ay may katotohanan. Kapag hindi
natin ito nasunod ay maaaring may masamang mangyari sa atin. Iyon rin ang
aming karanasang magkakapatid. Ang hindi pagsunod sa mga patakaran o utos na
nagdudulot ng hindi magandang pangyayari. Karamihan din dito ay ginamit ng
aming mga magulang noong kami ay mga musmos pa lamang.

3.Ano ang nais mong sabihin sa kanila tungkol dito?
Ako ay lubos na nagpapasalamat sapagkat ako ay maraming napulot na kaalaman
at lubos na nagalak sa mga utos na ito.

Magtala ng 3 utos ng magulang na ibinibigay sa iyo.
Una, mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal ng Diyos sa iyo. Ito ay
pinakamahalaga, ang pagmamahal. Dahil ito ang nagdudulot ng kapayapaan kung
mahal mo ang iyong kapwa ay pahahalagahan mo ito dahil alam mong kayo ay
pantay lamang na ginawa ng Diyos. Pangalawa ay ang, mag-aral ng mabuta dahil
ito lamang ang kayamanang hindi mananakaw ninuman sa akin. Ito ay tumatak sa
aking puso’t isipan dahil sa aming karanasan. Hindi ganoon ang aming pinansyal
na nagtulak sa aming magkakapatid na magpursige na makakuha ng scholarship o
libreng pag-aaral. Huli ay ang, kung may mabigat kang problema, bilangin mo
ang mga biyayang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay ang
Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat na kaya niyang pagaaanin at alisin
ang anumang problema basta’t lahat ng bagay na ating ginagawa ay para kaniya
lamang at lahat ng papuri’t pasasalamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento